Mga nabakunahang indibidwal sa bansa, inaasahang aabot sa apat na milyon pagsapit ng katapusan ng Mayo

Inaasahang maaabot na ng pamahalaan ang apat na milyong indibidwal na mababakunahan sa pagtatapos ng Mayo.

Ayon kay Health Usec. Myrna Cabotaje, minamadali nang maibakuna ang lahat ng AstraZeneca vaccine na dumating sa bansa.

Aniya, epektibo pa rin ang mga COVID-19 vaccine kahit ito pa ay mapaso o abutin ng expiry date dahil mayroon namang stability data na pinagbabatayan ng bisa o vaccine shelf life.


Sa ngayon, sinabi ni Cabotaje na napamahagi na ang lahat ng AstraZeneca vaccine

Tiniyak naman ni Cabotaje na kanilang tututukan ang naturang mga bakuna na maituturok sa mga benepisyaryo nito.

Facebook Comments