Mga nabakunahang menor de edad sa Maynila, halos 17K na

Base sa impormasyon mula sa Manila Health Department ay umaabot na ngayon sa 16,936 ang mga menor de edad na binakunahan sa Maynila laban sa COVID-19.

Ngayong araw ay 5,861 na mga edad 12-17 ang nadagdag sa mga binakunahan sa Maynila at Pfizer ang ibinigay sa kanila.

Bukas ay magpapatuloy ang pagbabakuna sa mga menor de edad sa apat na malalaking malls sa lungsod at anim na district hospitals.


Umaabot naman sa mahigit 53,000 na mga menor de edad na ang nagparehistro sa Manila LGU para magpabakuna laban sa COVID-19.

Sa kabuuan ay nasa mahigit 2.6 milyon na ang naturukan ng COVID-19 vaccine sa lungsod kung saan halos 1.3 milyon sa mga ito ang fully vaccinated at halos 1.4 million ang tumanggap ng first dose ng bakuna.

Samantala, sa ngayon ay bumaba sa 376 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Maynila kung saan 48 ang bagong nahawaan ng virus habang apat naman ang naitalang bagong nasawi.

Facebook Comments