Mga bakasyunista, hindi sakop ng libreng swab test ng Valenzuela

Nilinaw ngayon ng lokal na pamahalaan ng Valenzuela City na hindi sakop ng kanilang libreng swab test ang mga magbabakasyon.

Ang paglilinaw ng lungsod ay kasunod na rin ng pagdagsa ng maraming katanungan para sa mga balak umuwi sa kanilang mga probinsya ngayong Pasko.

Giit ng Local Government Unit (LGU), nakadepende sa pangangailangan ang libreng RT-PCR test ng lungsod.


Kabilang dito ang may sintomas at nakasalamuhang nagpositibo sa COVID-19.

Gayundin ang mga buntis at papasok sa ospital para sa medical procedure, mga kukuha ng board exam at magbabalik-probinsya.

Sinabi naman ni Mayor Rex Gatchalian na papayagan lamang na maka-avail ng libreng RT-PCR test ang mga residenteng uuwi sa kanilang mga lalawigan na doon na sa kanilang mga probinsya permanenteng maninirahan.

Facebook Comments