Inihayag ng pamunuan ng Muntinlupa City Health Office o CHO na meron ng 2,579 senior citizens ang kanilang nabakunahan laban sa COVID-19.
Batay sa kanilang datos, ,noong April 13, mula sa nasabing bilang 1,606 nito ay nabakunahan ng Sinovac vaccine habang ang 973 ay nabakunahan naman ng AstraZeneca.
Matatandaan, nagsimulang buksan ang 12 vaccination site ng Muntinlupa ang pagbabakuna laban sa COVID-19 para sa mga senior citizen ng lungsod noong April 12 ngayon taon.
Kauganay nito, hinikayat naman ni Muntinlupa Mayor Jaime Fresnedi ang mga senior citizen ng lungsod na hindi pa nagpaprehistro sa kanilang vaccination program na huwag ng mag alinlangan at magparehistro na.
Noong April 8, naturukan ng bakuna laban sa COVID-19 si Mayor Fresnedi gamit ang AstraZena vaccine.