Mga nabasurang drug cases, isasalang na ng DOJ sa automatic review

47

Maaari ng simulan ng Department of Justice (DOJ) ang automatic review sa lahat ng mga drug cases na una ng na-dismiss noong nakaraang taon.

Kabilang sa isasalang sa automatic review ay ang kontrobersyal na kasong isinampa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) laban sa Chinese drug lord at 16 na iba pa na nasangkot sa sinasabing smuggling ng ₱1.8 billion na halaga ng iligal na droga.


Una rito ay ilang ulit na isinalang sa preliminary investigation ang kaso na hinawakan ng panel of prosecutors sa pamumuno ni Senior Assistant State Prosecutor Clarisa Kuong at mga myembro naman na sina Assistant State Prosecutors Rodan Parocha at Noel Antay Jr.

Pinangalanan ng PDEA at ng DOJ ang mga respondents sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sina Xu Zhi Jian alias Jacky Co, Dong An Dong, Julie Hao Gamboa, Fe Tamayosa, Alvin Bautista, Jane Abello Castillo, Carlo Dale T. Zueta, Abraham G. Torecampo, Arwin P. Caparros, Leonardo S. Sucaldito, Mark Leo D. Magpayo, Brian Pabilona, Meldy Sayson, Rhea Tolosa, Edgardo Dominado, Jerry Siguenza at Debbie Joy Aceron.

Kabilang din sa mga respondents ang mga officers at directors ng Wealth Lotus Empire Corporation at Fortuneyield Cargo Services Corporation na siyang nagproseso ng shipment sa Bureau of Customs (BOC).

Magugunitang nasabat ng mga tauhan ng BOC ang shabu shipment na itinago sa plastic resin na pinadaan sa Manila International Container Port noong March 22, 2018 dahil sa tip ng mga Vietnamese authorities na darating sa Pilipinas ang naturang kontrabando.




Matapos ang serye ng mga preliminary hearings ay na-dismiss ang nasabing kaso at nilagdaan ang resolusyon noong December 17, 2019 at kabilang sa inabswelto ay sina Sayson, Tolosa, Dominado, Siguenza, Aceron, Gamboa at alias Dong-An Dong, habang iniutos naman ng panel na isampa sa korte ang kaso.

Facebook Comments