MGA NABIBIKTIMA NG CYBERCRIME AT IDENTITY THEFT SA REHIYON UNO, DUMARAMI

Ipinaalala naman ng Regional Anti-Cybercrime Unit 1 sa mga indibidwal na mahilig makipag usap sa social media at gumagawa ng kalaswaan dahil sa pwede itong magamit laban sa kanila.

Sinabi ni PSMS Archimedes Fernandez, Chief Clerk ng RACU 1, talamak sa ngayon ang ganitong modus lalo na at tutok sa social media ang karamihan.

Dagdag nito na may mga ilang gumagawa ng paraan para mahack ang social media, upang makakuha ng impormasyon at magiging panakot nito o mas kilala bilang Computer Related Identity Theft.


Ibinabala naman ng RACU sa mga gumagawa ng pagnanakaw ng impormasyon at panloloko gamit ang social media na maaaring makasuhan ang mga ito ng 6-12 years at multang P200,000 na kanilang sapitin.

Sa huli, nakiusap ang RACU 1 sa mga biktima ng cybercrime na mangyaring agad na ireport sa otoridad kung sakaling maranasan ito upang hindi na magamit sa scam o anumang panloloko.###

Facebook Comments