Apat na araw bago ang pagsalubong ng Bagong Taon, umabot na sa 23 ang mga nabiktima ng paputok sa bansa.
Ayon sa Department of Health (DOH), nadagdag ngayong araw ang apat na panibagong kaso ng fireworks-related injuries (FWRI).
Lahat ng kaso ay fireworks-related injury kung saan ang mga natamaang bahagi ng katawan ay ang kamay, ulo, mata, leeg, dibdib, paa at hita.
Wala namang napaulat na kaso ng fireworks ingestion maging ng stray bullet injury.
Paalala ng DOH, umiwas sa mga paputok at i-celebrate ang bagong taon na masaya at ligtas.
Mas mabuti anila na gumamit na lamang ng alternatibong noise-makers at light emitting devices sa pagsalubong ng Bagong Taon.
Facebook Comments