Mga nabiktima ng sunog sa San Jose, Batangas hinatiran ng tulong ni Senator Bong Go

 

Nakatanggap ng tulong mula sa tanggapan ni Senator Christopher “Bong” Go ang mga nasunugan sa San Jose, Batangas.

“Kami po ni Pangulong Duterte ay patuloy ho kaming magserserbisyo po sa inyo, beinte cuatro oras po ‘yan. Maraming salamat, mga Batangueño. Mahal na amahal po namin kayo,” ayon kay Go.

Noong 2019, si Go ay idineklarang adopted son ng CALABARZON region sa pamamagitan ng manifesto na inisyu ng mga gobernador ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon.


“Batangueño rin po ako… kahit na lumaki kami sa Davao, ang lolo’t lola ko ay dito lang sa Sto. Tomas at tsaka sa Tanauan kaya magkapitbahay lang po tayo. Lapitan niyo lang ako dahil patuloy akong magseserbisyo sa kapwa kong Pilipino. Hindi namin kayo pababayaan mga kapwa kong Batangueño,” ayon kay Go.

Kaugnay nito, patuloy ang pagsusulong ni Go sa modernisasyon ng Bureau of Fire Protection.

Para maiwasan ang fire hazards isinulong ni Go ang Senate Bill No. 1832 o BFP Modernization Act of 2019.

Sa ilalim ng panukalang batas, ang BFP ay aatasang magpatupad ng modernization program na magpapalakas sa kakayahan at kapasidad ng BFP.

“Mga kababayan ko, bilang isang senador, nag-file po ako sa Senado, itong modernization of Bureau of Fire Protection—karagdagang kagamitan, karagdagang fire fighters, at monthly education campaign para turuan po ang ating mga kababayan na mag-ingat po,” ani Go.

Sa isinagawang aktibidad sa Tugtug Barangay Hall, namahagi ng financial assistance, grocery packs, meals, masks, face shields, at vitamins sa mga benepisyaryo.

May mga kinatawan din mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nagkaloob ng financial assistance.

“Maraming Salamat, Senator Bong Go, sa naitulong mo. Malaking bagay ito para sa amin. Sana marami ka pang matulungan na mahihirap lalo na sa mga ganitong sakuna at kalamidad,” ayon kay Norma Guarin na isa sa mga benepisyaryo.

Samantala, binanggit din ni Go na siya ring chairman ng Senate Committee on Health and Demography na mayroong Malasakit Centers sa lalawigan ng Batangas na maaring malapitan ng mga nangangailangan ng atensyong medikal.

Sa Malasakit Center sinabi ni Go na mayroong mga kinatawan ng DSWD, Department of Health, Philippine Health Insurance Corporation, at Philippine Charity Sweepstakes Office na maaring malapitan.

Ang Malasakit Centers sa Batangas ay nasa Batangas Provincial Hospital sa Lemery at sa Batangas Medical Center sa Batangas City.

Sa ngayon ay mayroon nang 130 Malasakit Centers sa buong bansa kung saan dalawang milyong Filipinos na ang nakinabang.

“Social distancing tayo, hugas ng kamay, at kung hindi naman po kailangan huwag munang umalis ng inyong pamamahay dahil delikado pa po ang panahon. Habang nandidiyan ang COVID-19 delikado po lumabas. Ingat po muna tayo parati mga kababayan ko,” paalala ni Go.

Bilang Vice Chair ng Senate Committee on Finance, sinabi ni Go na suportado niya ang mga proyekto sa munisipalidad kabilang ang mga road project.

Binanggit din ni Go ang iba pang proyekto kabilang ang pagtatayo ng multi-purpose buildings at rehabilitation ng mga kalsada sa Agoncillo, Balayan, Batangas City, Bauan, Calaca, Ibaan, Lipa City, Mabini, Mataas na Kahoy, Nasugbu, San Juan, San Luis, San Nicolas, Santo Tomas, Taal, at Tuy.

Gayundin ang pagtatayo ng potable water system sa Balete; pagsasaayos ng public market sa Cuenca; pagbili ng ambulance unit sa Ibaan; rehabilitasyon sa Lobo River flood mitigation structure sa Batangas City, Lobo, at San Juan; at pagsaayos ng public parks at plaza sa San Nicolas.

“Wala na kaming mahihiling pa dahil binigay na ng Panginoon ang lahat lalo na ang oportunidad na makapaglingkod sa inyo. Kami ni Pangulo ay mga probinsyano lamang, isa akong Batangueño na Bisaya… Isa akong ordinaryong empleyado na ginawa ninyong senador, kaya ibabalik ko sa tao ‘yung serbisyo na para sa inyo,” pangako ni Go.

Facebook Comments