Vaccination certificate ng mga indibidwal na nabakunahan sa Maynila, maaari ng i-download

Inanunsyo ng Lokal na Pamahalaan ng Maynila na maaari ng ma-download mga nagpabakuna ang kani-kanilang vaccination certificate.

Ito’y sa pamamagitan ng pag-access sa Manila Covax website (www.manilacovid19vaccine.ph).

Dahil dito, maaari ng magamit ng isang indibdwal na naka-kumpleto na ng bakuna kontra COVID-19 ang nasabing vaccination certificate sa pagbiyahe sa loob at labas ng bansa.


Matapos mag-login sa nasabing website, i-click lamang ang ‘My Certificate’ upang ma-download ito at maipa-print.

Ginawa ng Manila LGU ang nasabing hakbang dahil sa karamihan sa nagpabakuna sa lungsod ay kinakilangan ang vaccination certificate sa pagbiyahe sa ibang lungsod o lalawigan para aa kanilang trabaho at negosyo.

Muli naman iginiit ng lokal na pamahalaan ng Maynila na hinding-hindi mapepeke ang inilabas nilang certificate at kanilang binalaan ang sinuman na gagawa ng peke nito.

Facebook Comments