Mga nag-aalok ng pagmanipula sa eleksyon, ikinumpara sa mga sindikato ng text scam

Walang pinagkaiba sa mga sindikato o individual na nasa likod ng budol text ang mga taong lumalapit sa mga politiko at nagsasabi na kaya nilang imanipula ang resulta ng eleksyon.

Sinabi ito ni Senator Joel Villanueva kasunod ng mga reports na may mga taong nangangakong aareglo sa eleksyon.

Tulad ng kanyang payo sa mga nakakatanggap ng budol texts, ay sinabi ni Villanueva na marapat lang i-report ang mga ganitong tao sa mga kinauukulan.


Ayon kay Villanueva, dapat silang tugisin at panagutin sa batas.

Binigyang diin ni Villanueva na hindi dapat hayaan ang mga ganitong tao na sirain ang integridad ng ating halalan.

Facebook Comments