Mga naganap na bakbakan sa pagitan ng militar at NPA sa Isabela, Walang dapat Ikaalarma-Isabela Gov. Faustino Bojie Dy III!

*Cauayan City, Isabela- *Nilinaw ni Isabela Governor Faustino “Bojie” Dy III na walang dapat ikaalarma ang taumbayan kaugnay sa mga naganap na bakbakan ng mga kasundaluhan at mga kasapi ng New People’s Army (NPA) sa iba’t-ibang bayan dito sa lalawigan ng Isabela.

Sa naging panayam ng RMN Cauayan kay Governor Bojie Dy III, nasa Isolated na lugar ang mga pinangyarihan ng mga nakaraang bakbakan ng mga Sundalo at NPA kaya wala umanong dapat na ikabahala ang taumbayan dahil tuloy-tuloy rin umanong nakabantay ang mga kasundaluhan laban sa mga rebelde.

Kumpiyansa rin ang nasabing gobernador na hindi umano naaapektuhan ang kanilang isinasagawang Farmers Congress sa bawat bayan dito sa ating lalawigan dahil alam naman umano ng mga makakaliwang grupo na kabutihan ang kanilang isinasagawa.


Samantala, patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ang mga kapulisan hinggil sa pagdukot ng mga NPA kay PO2 Danny Maur ng PNP Ilagan at patuloy rin umano ang maigting na pagbabantay ngayon ng mga otoridad sa mga nagpupuslit ng mga illegal na kahoy.

Ito ay sa kabila ng pagdis-arma ng mga kasapi ng Reynaldo Piñon Command sa Task Force Kalikasan (TFK) ng DENR noong ika-labing tatlo ng Agosto sa checkpoint ng Barangay Sindon Bayabo, City of Ilagan, Isabela dahil sa umano’y bantay Salakay ang mga kasapi ng TFK.

Facebook Comments