Mga nagawa ng PHilMech, ipnagmalaki ng pamunuan nito sa kanilang anibersaryo

Ipinagmalaki ng Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PHilMech) ang kanilang mga nagawa kasabay ng kanilang pagdiriwang ng ika-44 na taon.

Sa naging pahayag ni PHilMech Director Dioniso Alvindia, isa sa mga nagawa nila ang pagpapa-unlad ng mga kagamitan at pasilidad ng mga magsasaka para maging mas produktibo pa at mapabilis o mapadami ang mga produkto.

Maging ang mga makabagong teknolohiya para mapagaan ang trabaho ng magsasaka ay mas pinaunlad pa ng PHilMech gayundin ang solusyon sa mga sakit o problema sa mga halaman at iba pang produktong agrikultura upang manatili itong sariwa at hindi masira.


Paraan din ito para maging ligtas ang mga produkto para sa consumers at mapabuti ang kalidad ng mga pagkain.

Gayundin ang nadiskubre at na-develop na antidote ni Dir. Alvindia para mapigilan at makontrol ang mycotoxin, pest at iba pang crop diseases para mapanatiling ligtas at mapangalagaan ang mga pagkain.

Maging ang ilang mga makabagong paraan na nadidiskubre ng mga tauhan ng PHilMech ay kanilang ibinabahagi sa mga magsasaka para mapaunlad pa ang kanilang kabuhayan.

Muling iginiit ni Dir. Alvindia na ang pinakasentro ng kanilang serbisyo ay ang mga magsasaka at stakeholders kaya ang pagpapalakas nito ay kanilang prayoridad.

Facebook Comments