Pinangunahan ito ni DENR Regional Executive Director Gwendolyn Bambalan at dinaluhan ng ilang matataas na opisyal mula sa iba’t-ibang ahensya ng gobyerno.
Matatandaan na inilunsad ang Cagayan River rehabilitation noong Pebrero 2, 2021 kung saan sinimulan ang dredging sa Magapit Narrow Cagayan River at pagsasagawa ng bamboo planting.
Sa ilalim ng naturang proyekto, ang mga sandbars sa Barangay Bangag sa Lal-lo at Barangays Casicallan Norte at Dummun sa Gattaran ay mga prayoridad para ma-dredge para mapigilan nito ang pagdaloy ng tubig-baha patungo sa Aparri Delta.
Ibinahagi naman ni DENR RD Bambalan ang mga natapos ng RBBBTF sa ilalim ng proyektong Build Back Better kung saan mayroon ng 374,000 m3 ang na-dredge sa Lal-lo, Cagayan at 115, 090 m3 naman ang natanggal sa Dummun, Gattaran, Cagayan.
Kaugnay nito, umabot naman sa 142, 389 piraso ng Kawayan ang na-produce ng DENR habang nasa 585 ektarya naman ang natamnan sa mga riverbank.