Pasado alas-10:00 ng umaga kanina nang dumating si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa burol ni dating Pangulong Fidel V. Ramos (FVR) sa Heritage Park sa lungsod ng Taguig.
Kasama ni Pangulong Marcos sa pagtungo sa burol ni dating Pangulong FVR sina House Speaker Martin Romualdez at dating Senate President Vicente Sotto III.
Sa kanyang mensahe sa burol ng dating pangulong FVR, sinabi ni Pangulong Marcos na ang pagkamatay ni Ramos ay ipinaaalala niya sa asawa nitong si former First Lady Amelita ang mga nagawa ng dating pangulo na nagsisimbolo aniya ng stability ng bansa at pagiging kalma ng mga Pilipno matapos ang mga gulo noong taong 1986.
Kaya naman mananatili raw ang pasasalamat ng pangulo kay dating Pangulong FVR sa serbisyo nito hindi lang sa pagiging sundalo kung maging sa pagiging public servant.
Sinabi pa ng pangulo na ang alaala ng dating pangulong FVR ay mananatili dahil sa mga magagandang nagawa nito para sa Pilipinas.