Pondo para sa ‘Libreng Sakay’ program sa EDSA Bus Carousel hanggang Disyembre, naitabi na ng DBM

41

Naitabi na ng Department of Budget and Management (DBM) ang pondo para sa free bus ride program ng gobyerno hanggang sa katapusan ng Disyembre.

Kinumpirma mismo ito ni Department of Transportation Secretary Jaime Bautista sa isang panayam ngayong araw.

Kamakailan nang sabihin ni LTFRB Chairperson Cheloy Velicaria-Garafil na hanggang Setyembre lamang ang pondo nila para sa libreng sakay sa EDSA Bus Carousel.


Hindi pa naman masabi ni Bautista kung mae-extend pa ulit ang libreng sakay program pagkatapos ng December 31, 2022.

Samantala, tiniyak din ng ahensya na sapat ang bilang ng mga pampublikong sasakyan sa pagbabalik ng face-to-face classes.

Facebook Comments