MGA NAGBABAKUNA O VACCINATOR SA REGION 1, MAY SAPAT NA KAALAMAN UMANO SA PAGBABAKUNA

Iginiit ng Department of Health Center for Health Development Region 1 na mayroong sapat na kaalaman sa pagbabakuna ang mga vaccinator nito sa isinasagawang COVID-19 Vaccination Program.

Ito’y sa kabila ng isang insidente sa isang viral video kung saan hindi naipasok ng nurse ang bakuna sa syringe, kahit itinusok nito sa braso ng nagpapabakuna.

Ayon kay Dr. Rheuel Bobis, DOH-CHD1 Information Officer, sinisiguro ng kagawaran na lahat ng vaccinator nito na nagbibigay ng bakuna ay dumaan sa pagsasanay sa wastong pagbibigay ng bakuna.


Patuloy din ang monitoring ng DOH-CHD1 sa mga vaccinator nito upang magabayan sa isinasagawang vaccination program laban sa nakakahawang sakit.

Samantala, nasa 334, 589 doses na ang naiturok na bakuna sa mga eligible group sa Ilocos Region.

Facebook Comments