Mga nagbabayad ng Meralco bill sa Masinag mahigpit ang ipinatutupad na social distancing

Mahigpit ngayon ang ginagawang pagpapatupad ng social distancing sa Meralco Masinag kung saan ay isang metro ang agwat ng mga nagbabayad ng kani-kanilang bills at mayroong inilagay na numero sa loob ng naturang tanggapan.

Bukod sa social distancing sa pagabbayad ng Meralco bills ay dumadaan din sa thermal scanner ang mga pumapasok sa naturang opisina at nilalagyan ng alcohol ang kanilang mga kamay.

Nais ng pamunuan ng Meralco Masinag na matiyak na hindi magkakahawaan ang mga nagbabayad ng bills kayat mahigit ang kanilang pagpapatupad ng social distancing.


Facebook Comments