Mga residente sa Barangay Marikina Height dini-disinfect ang kanilang mga bahay para iwas COVID-19

Namahagi ng mga vitamins, alcohol at sanitizers bukod pa sa dini-disinfect ang kani-kanilang mga bahay sa Barangay Marikina Heights kung saan ay iniisa-isa para i-disinfect ang kanilang mga bahay para maiwasan na madapuan ng COVID-19.

Ayon kay Marikina City Mayor Marcy Teodoro, namahagi rin sila ng mga alcohol at sanitizers bukod pa sa mga vitamins na ibinibigay sa mga residente ng Barangay Marikina Heights Marikina City.

Paliwanag ng alkalde malaki ang maitutulong ng pagdi-disinfect sa mga bahay upang matiyak na ligtas sa Coronavirus Disease 2019 o COVID-19 ang mga residente ng Marikina City.


Giit ni Marcy, mahigpit ang kanilang ginagawang paglilinis at pagdi-disinfect sa kanilang lungsod para matiyak na walang mahahawaan sa kanyang mga nasasakupan.

Malaking tulong din ani alkalde ang 3,000 testing kits para sa COVID 19 na kanilang binili para masuri ang mga residenteng mayroong sintomas na COVID-19.

Facebook Comments