Mga nagbukas na paliparan sa bansa, umabot na ng 30 ayon sa DOTr

Inanunsyo ng Department of Transportation (DOTr) na mayroon ng 30 mga paliparan sa buong bansa ang nagpapatuloy na ang operasyon sa kabila ng umiiral na community quarantaine.

Ayon kay DOTr Secretary Arthur Tugade, ang nasabing bilang ay katumbas ng 61.22% mula sa kabuuang bilang ng mga paliparan sa bansa na nasa 49.

Ibig sabihin nito, na mayroon na lang 19 na mga paliparan sa buong Pilipinas ang nananatiling sarado pa rin kahit niluwagan na ng pamahalaan ang travel restrictions sa bansa.


Pero nilinaw ni Tugade na sa 30 paliparan, ang ilan dito ay pumayag ang mga Local Government Unit (LGU) sa pagbabalik operasyon ng mga commercial flight kahit walang mga dokumentong hinihingi sa mga pasahero.

Pero may ilan din mga LGU na ang commercial flights ay subject pa rin sa documentary at passenger LGU restrictions.

Dagdag pa niya na ang biyaheng papuntang Roxas, Bacolod, at Iloilo airports ay kailangan munang ipagbigay alam sa city at provincial LGU bago ang araw ng nakatakdang paglipad.

Facebook Comments