Mga naghain ng COC para sa BARMM Parliamentary Elections, umabot sa 24 hanggang ngayong hapon

Tuloy-tuloy ang mga naghahain ng Certificate of Candidacy (COC) para sa unang Parliamentary Elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Sa datos ng Commission on Elections o Comelec, hanggang ngayong tanghali ay may 24 na nagsumite ng kanilang COC.

Iisa pa rin ang nagfile naman ng List of Nominees at Certificates of Acceptance of Nomination para sa regional parliamentary political parties.


Umarangkada ang COC filing nitong Lunes, at magtatapos sa November 9.

Nasa 73 posisyon sa ang paglalabanan sa unang BARMM parliamentary elections kasabay ng national at local elections sa darating na May 12, 2025.

Facebook Comments