Sa kalahati pa lamang ng taong 2021 ay umabot na sa 111 ang naging paglabag ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa International Humanitarian Laws.
Ayon kay AFP Center for Law of Armed Conflict (AFP-CLOAC) Director Brig. Gen. Joel Nacnac, ibig sabihin nito ay pumalo na sa 1,617 ang mga kabuuang naitalang krimen ng mga rebeldeng komunista.
Ilan sa mga tinukoy na paglabag ng NPA ang pagsusunog sa heavy equipments na may kinalaman sa government projects at mga pagpaslang na aabot na ngayon sa tinatayang 405 na katao.
Ang CPP-NPA ay itinuturing na terrorist organization.
Facebook Comments