Tatlong Seaman, patay matapos na ma-suffocate sa nililinis na tangke ng langis sa isang barko sa Batangas

2433

Nasawi ang tatlong seaman nang mahirapan sa paghinga habang naglilinis ng tangke ng langis ng kanilang barko na nakadaong sa Brgy. Camastilisan, Calaca, Batangas.

Sa report ng Batangas Police Provincial Office kinilala ang mga biktima na sina: Enrique Jay Gaspado, 24-anyos: Deck Cadet Seaman na taga Valenzuela City; John Rey Illustrisimo, Able Bodied Seaman na residente ng Agutaya, Palawan; at Ryan Jay Bantilan , 25-anyos, 3rd mate Seaman ng Guiuan, Eastern Samar.


Sa inisyal na imbestigasyon ng Calaca Philippine National Police (PNP), nililinis ng tatlo ang oil tanker number 3 na walang laman nang nakalanghap sila ng kakaibang usok kaya sila na-suffocate.

Agad silang isinugod sa Ospital ng Calaca pero ideneklarang dead on arrival.

Facebook Comments