Hindi na bibigyan ng kaparehong brand ng bakuna ang mga nakaranas ng matinding allergy matapos maturukan ng unang dose ng COVID-19 vaccine.
Ayon kay National Adverse Events Following Immunization (NITAG) Committee Chairperson Dr. Lulu Bravo, ang solusyon sa mga nagkaroon ng adverse effect sa unang bakuna ay babaguhin lamang ang brand ng ikalawang dose.
“I would like to say that the real contraindication to vaccination is iyon pong allergy. Kasi kapag kayo po ay napatunayan na mayroon kayong allergy doon sa first dose ng bakuna, kayo po ay maaaring baguhin ang second dose. Hindi na po ibibigay sa inyo iyong second dose. And those are very, very small, napakaliit lang po ng porsiyento na masasabi nating tunay na nagkaroon ng allergy or anaphylaxis, at iyon naman po ay nagagamot,” ani Bravo.
Kinumpirma naman ni Bravo na sa loob ng halos tatlong buwang monitoring nila, simula ilarga ang vaccination rollout laban sa COVID-19 ay wala silang naitalang masamang epekto ng bakuna.
Halos tatlong porsyento lamang aniya ang underreported na napakaliit na porsyento kumpara sa mga naitatala sa ibang bansa na umaabot sa 30-40%.