Mga naglulustay sa financial assitance ng pamahalaan, hindi na muling makakatanggap ng tulong

Hindi na makakatanggap muli ng tulong mula sa pamahalaan ang mga naglustay sa 5,000 to 8,000 pesos na ipinamahaging ayudad sa ilalim ng Special Amelioration Program (SAP).

Pahayag ito ni Senator Christopher Bong Go kasunod ng mga balitang mayroong ilang nakatanggap ng cash aid ang ginamit sa pambili ng droga, pagsusugal at iba pang hindi naman mahalagang  bagay.

Base sa report, isang lalaki naaresto sa Bacoor, Cavite ang umamin na ang Php6,500 na natanggap niya sa SAP ang ipinambili niya ng ilegal na droga.


Dalawang benepisaryo naman ng programa ang nadiskwalipika makaraang mabuking nagsasabong na isang paglabag sa umiiral na Enhanced Community Qurantine (ECQ).

Ayon kay Go, galit si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga ganitong balita na imbes na gamitin para sa pamilya ay ginamit sa bisyo gaya ng droga at pagsasabong.

Pakiusap ni Go, sana ay huwag sayangin ng mamamayan ang  tulong  ng Gobyerno dahil hirap din ang  pamahalaan na pagkasyahin ang budget para lamang  matulungan ang lahat ng higit na nangangailangan.

Facebook Comments