Pinahahanap na ng Malacañang ng ibang mapagkakakitaan ang mga gumagawa ng paputok matapos sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na maaari na itong ipagbawal.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, gaya ng sinabi ng Pangulo kailangang alalahanin din yung mga tao na nakasalalay sa paggagawa ng paputok bilang hanapbuhay.
Aniya, kailangan ng humanap ng mga ito ng ibang hanapbuhay dahil sa susunod na taon at magkakaroon na ng absolute firecracker ban.
Unang pinatupad ng Pangulo noong 2002 ang firecrackers ban sa Davao City noong siya pa ang alkalde ng lungsod.
Base rin sa tala ng Department of Health (DOH), bumaba ng 35 porsyento ang mga firecracker-related injury nitong nakaraang taon matapos palimitahan ni Pangulong Duterte ang paggamit nito noong 2017.