Deployment ban para sa mga nurse, binawi na ng POEA

Maaari nang makalabas ng bansa ang mga bagong hire na nurse, nursing aide at nursing assistant.

Ito’y matapos tanggalin ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang deployment ban para sa mga nurse.

Hindi naman sakop nito ang ibang health care worker kung saan mananatili pa rin ang temporary deployment ban.


Sa unang araw rin ng 2021 ay ilalatag na ang 5,000 na limit para sa mga healthcare worker na nais mag-abroad.

Facebook Comments