
Kilala na ng Philippine National Police o PNP-Anti-Cybercrime Group ang mga taong nasa likod nang pagpapakalat ng maling impormasyon sa social media kaugnay sa estudyanteng dinukot sa Taguig noong Pebrero 20, 2025.
Ayon kay PNP PIO Chief, Col. Randulf Tuaño, malaki ang naging epekto ng mga fake news sa pamilya ng biktima.
Sinabi ni Tuaño na kabilang sa mga ipaghaharap ng reklamo ang mga nagpakalat ng fake pictures ng bata at mga nagpalaganap ng mali-maling impormasyon.
Sa ngayon aniya ay na-take down na ito ng PNP Anti-Cybercrime Group.
Sa ngayon, nasa ospital pa rin ang estudyante matapos ma-rescue ng mga awtoridad noong isang araw sa Macapagal Ave. Parañaque City.
Facebook Comments