
Isasampa ngayong hapon sa piskalya ang kasong Murder laban sa 2 mula sa apat na mga suspek na pumatay sa sa isang guro sa Cotabato City noong Feb 25, 2025.
Ayon kay PNP PIO Chief PCol. Randulf Tuaño, tukoy na ng pulisya ang 2 suspek na pawang miyembro ng gun for hire group.
Ani Tuaño, sinisilip na motibo sa krimen ang pagkakautang ng biktimang si Israel Abas Angas, 29 years old, civil engineering teacher sa Notre Dame University, Cotabato City.
Nabatid na noong October 2024 pa ang hindi nabayarang utang ng biktima.
Matatandaang pinagbabaril ng mga suspek ang biktima habang lulan ng kanyang sasakyan sa kahabaan ng Notre Dame Avenue, Rosary Heights 3, Cotabato City.
Nagtamo ang biktima ng gunshot wounds sa kanyang kaliwang bisig at upper abdomen at idineklarang dead on arrival sa ospital.
Narekober naman ng mga awtoridad ang 14 na basyo ng bala sa crime scene.