Mga nagpapakalat ng black propaganda laban kay presidential aspirant Ping Lacson, kokomprontahin sakaling ma-validate ang impormasyon

Kinumpirma ni presidential aspirant Sen. Panfilo “Ping” Lacson na kanilang kokomprontahin ang mga nagpapakalat ng mga black propaganda o demolition job laban sa senador sakaling ma-validate nila ang naturang impormasyon.

Sa ginanap na Meet the Press, sinabi ni Lacson na patuloy ang kanilang ginagawang validation tungkol sa isang grupo na magsasagawa ng black propaganda laban sa senador.

Paliwanag ni Lacson, wala siyang pinatutungkulan tungkol sa sinasabi nitong magnanakaw sa gobyerno at kapag mayroon umanong tinatamaan ay bahala na umano sila at baka naman sila tinatamaan sa kanyang babala sa pagpili ng hindi magnanakaw.


Giit pa ni Lacson na isisiwalat nila sa taumbayan at kokomprontahin pa ang nasa likod ng mga nagsasagawa ng black propaganda o demolition job kapag nabeberika ang naturang impormasyon laban sa senador.

Facebook Comments