Mga taga-Ilocos Region, solid supporter ng BBM-Sara UniTeam – Ilocos Norte Governor Matthew Joseph Marcos Manotoc

Buo ang suporta hindi lang ng mga taga-Ilocos Norte kundi nang buong Ilocos sa pagtakbo ni presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos at Davao City Mayor Sara Duterte.

Ito ang sinabi ni Ilocos Norte Governor Matthew Joseph Marcos Manotoc.

Aniya, bagama’t hindi marami ang botante sa kanyang nasasakupang lalawigan ay masisiguro niyang solid ang kanilang boto sa BBM at Sara tandem, maging ang boto ng buong Ilocos.


Nagpasalamat din ang governor sa dalawa dahil sa effort ng mga itong pumunta sa Ilocos Norte kahit alam na raw ng mga ito na buhos ang boto ng mga Ilocano sa kanila.

Facebook Comments