Mga nagpapakalat ng fake news hinggil sa umano’y ikakasang nationwide lockdown, kailangang mai-disinfect – Palasyo

Bumuwelta na rin maging si Executive Secretary Salvador Medialdea sa mga pasimuno ng kumalat na fake news na nagsasabing nakatakdang mag-anunsiyo ang Malacañang ng nationwide lockdown ngayong linggo at isasara maging ang mga wet markets upang manatili at hindi na lumabas ang lahat sa kani kanilang mga tahanan.

Ayon kay Medialdea, kailangang madisinfect ang mga nagpakalat ng maling impormasyon.

Mas mabilis aniyang gumagalaw ang mga nagpapakalat ng fake news kung ikukumpara sa kinatatakutang COVID-19 virus.


Nangangamba rin ito dahil maliban sa COVID-19 kalaban narin nila ang mga nasa likod ng fake news na walang mabuting naitutulong bagkus nagdudulot lamang ng pagkaligalig ng publiko.

Una nang pinabulaanan kapwa nina Senador Bong Go at Chief Legal Counsel Salvador Panelo ang kumalat na fake news.

Alinsunod sa Republic Act No. 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012 ang sinumang mapapatunayang magpapakalat ng maling impormasyon o fake news ay maaaring makulong ng 6 – 12 taon.

Facebook Comments