Mga nagpapakalat ng fake news kaugnay ng vaccination at cash aid, binalaan ng DILG

Nagbabala ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga nagpapakalat ng fake news at maling impormasyon kaugnay ng COVID-19 vaccination at cash assistance.

Ayon kay DILG Spokesperson Undersecretary Jonathan Malaya, hindi totoong ang mga bakunadong indibidwal lamang ang mabibigyan ng financial aid sa dalawang linggong nakasailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang Metro Manila.

Aniya, isinasapinal na ang guidelines para sa agarang pagpapalabas ng ayuda na kapareho ng magiging sistema noong nakaraang taon.


Tiniyak din ni Malaya na tuloy-tuloy ang vaccination program ng lahat ng Local Government Units (LGUs) sa gitna ng ECQ period mula August 6 hanggang 20.

Facebook Comments