MGA NAGPAPAKALAT NG FAKE NEWS UKOL SA DI UMANO’Y TALAMAK NA KIDNAPPING SA PANGASINAN KAKASUHAN NG PNP

Nagbigay ng babala ang Pangasinan Police Provincial Office sa publiko ukol pagpapakalat ng di umano’y talamak na kidnapping sa lalawigan ng Pangasinan.
Ayon kay PCOL Jeff Fanged ang Police Director ng Pangasinan Police Provincial Office, ang pagpapakalat ng mali at pekeng balita ay may karampatang parusa na nagkakahalaga ng 40,000 to 200,000 pesos at maaaring makulong ng isang buwan hanggang anim na buwan.
Una ng pinabulaanan ng ahensya ang nabanggit na krimen at pinayuhan ang publiko na manatiling mapagmatyag at alerto sa paligid.

Samantala, paalala ng ahensya sa publiko na huwag maalarma bagkus ay paiigtingin pa ang pagbabantay sa mga anak. | ifmnews
Facebook Comments