MGA GAMOT KONTRA LEPTOSPIROSIS AT TYPHOID FEVER, IPINAMAHAGI

27
Namahagi ng Doxycycline Capsules at Sodium Hypochlorite Drinking Water Disinfectant ang lokal na pamahalaan ng Dagupan sa mga palengke at barangay.
Ang mga gamot kontra leptospirosis at typhoid fever ay mula sa department of health, ito ay bilang bahagi ng preventive care laban sa mga water-borne diseases sa panahon ng tag-ulan at pag-baha.
Ayon sa department of health, ilan lamang ang mga nabanggit sa mga pangunahing sakit na dulot ng tubig sa contaminated ng human o animal waste.

Nabigyan na ang 115 vendors sa malimgas market na palaging nakalusong sa tubig-baha tuwing high tide at dahil sa bagyong Florita. | ifmnews
Facebook Comments