Mga nagpapakalat ng propaganda ng Maute Group, ipinaaaresto na ng DICT

Manila, Philippines – Natukoy na ng Pamahalaan ang mga taong sangkot sa cyber sedition o ang mga nagpapakalat ng propaganda ng Teroristang Grupong Maute.

Ito ay sa harap narin ng pagkalat ng mga video at mga litrato na nagpapakita ng mga ginagawang paninira ng terorsita sa Marawi City kung saan una nang nanawagan ang Palasyo sa publiko na huwag magpagamit sa mga terorista sa pamamagitan ng pag-share ng kanilang mga inilalabas na video o mga propaganda.

Ayon kay Information and Communication Secretary Rodolfo Salalima, inirekomenda na nila ang pag-aresto sa isang hindi pa pinangagnalanang tao na siyang nagpapakalat ng mga propaganda ng teroristang grupo.


Ngayong araw umano nakatakdang arestuhin ang nasabing suspek na nakitang konektado sa mga kumakalat na video.

Una naring nagpaalala ang Armed Forces of the Philippines sa publiko na huwag basta-bata maniniwala sa mga nakikitang impormasyon sa social media.
DZXL558

Facebook Comments