Dating pulis at isa pang lalaking napagkamalang miyembro ng ISIS-Maute Group, naaresto ng kapulisan sa Cagayan de Oro

Cagayan de Oro City – Detinado ngayon ang isang dating pulis at ang kasama nito matapos pinasok ng kapulisan ang isang Inn sa Cagayan de Oro City.

Ito ay matapos makatanggap ng impormasyon ang kapulisan kahapon na may mga miyembro ng ISIS-Maute Group na pumasok sa nasabing Inn.

Naaresto ng kapulisan ang dating pulis na si Leodegario Canete Sagun, Jr, at kasamang si Ernesto Enriquez Go.


Nakuha sa dalawa ang isang improvised 3516 revolver, sampung bala ng M16, druga at mga drug paraphernalia.
DZXL558

Facebook Comments