Mga nagpapanggap na enumerators ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program ng DSWD, aktibo na naman

Manila, Philippines – Pinag-iingat ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang publiko laban sa mga extortionists na nagpapanggap na Pantawid Pamilyang Pilipino Program Enumerators.

Ang babala ay ginawa ni DSWD Sec. Judy Taguiwalo, kasunod ng ulat na may gumagalang DSWD employee sa Cebu City at nanghihingi ng pera sa mga residente kapalit ng pagproseso ng mga requirements para maisama sa 4P’s Program.

Base sa National Household Targeting System for Poverty Reduction, mayroon pang 260,118 households sa buong bansa ang hindi pa sumailalim sa Assessment ng DSWD ng gawin ang data collection phase noong 2015.


Nilinaw ng kalihim sa publiko na lahat ng government agencies lalo na ang DSWD ay hindi nagso-solicit ng pera sa tao para lamang maisama sa programa ng pamahalaan.

Facebook Comments