Mga nagpapanggap na “middleman” sa pagkuha ng unpaid salaries ng mga OFW, binalaan ng DMW

Nagbabala ang Department of Migrant Workers (DMW) laban sa mga indibidwal na nagpapanggap na “middleman” sa pagkuha ng unpaid salaries ng nasa 10,000 OFWs sa Saudi Arabia.

Sa press conference ng ahensya, nilinaw ni DMW Secretary Susan “Toots” Ople na government-to-government ang pag-uusap hinggil dito.

Aniya, sa panig ng DMW, tanging siya lang at si Usec. Hans Leo Cacdac ang awtorisado na magsalita o mag-report ng anumang usapin na may kinalaman sa mga unpaid salary.


Kasabay nito, pinayuhan ng kalihim ang mga claimants na agad magsumbong sakaling lapitan sila ng mga nagpapakilalang middleman o empleyado ng DMW.

Facebook Comments