Patuloy na nadagdagan ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
Ayon kay Departmet of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, naitala nila ang 258 na panibagong kaso na umabot na sa 11,876.
Sa nasabing bilang ng karagdagang kaso, 188 o 73 percent ang naitala sa National Capital Region (NCR) at 16 o 6 percent naman sa Region 7.
Habang ang natitirang 54 o 21 percent ay naitala sa iba’t-ibang lugar sa bansa.
Nasa 18 naman ang nadagdag sa mga pumanaw na umabot na sa 790 deaths.
Patuloy namang tumataas ang mga gumagaling na nadagdagan ng 86 new recoveries at ngayon ay nasa 2,337 na.
Facebook Comments