Mga nagpositibo sa antigen test sa ECQ areas, isasama na sa COVID-19 case tally – DOH

Isasama na ng Department of Health (DOH) sa opisyal na bilang ng kaso ng COVID-19 ang mga positibong resulta ng antigen test sa mga lugar na nasa Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, tatanggapin ang antigen test bilang confirmatory sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.

Sa mga lugar na may mababa ang kaso, kailangan pa ring gumamit ng Reverse Transcription – Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) para makumpirma ang resulta ng COVID-19 test.


Paliwanag ni Vergeire, ang hakbang na ito ay inirekomenda rin ng World Health Organization (WHO).

Hindi naman sinabi ng DOH kung kalian sisimulan ang bagong polisiyang ito at sa ngayon ay hinihintay pa ang supply ng antigen test kits.

Facebook Comments