Tambay, huli dahil sa hindi pagsusuot ng face mask sa Makati

Inaresto ng mga tauhan ng Makati City Police Station ang isang 25-anyos na tambay matapos makitang walang suot na face mask sa Barangay San Antonio, Makati City.

Kinilala ang inarestong lalaki na si Reanan Paul Santiag, 25-anyos, walang trabaho.

Siya ay inaresto sa pamamagitan ng warrant of arrest dahil sa paglabag sa Section 4 ng Ordinance No. 2020-089 o ang Not Wearing of Face mask in Public Places.


Maaari namang makapagyansa ang suspek sa halagang 3,000 piso para ito ay makalaya.

Facebook Comments