Mga nagpositibo sa COVID-19 sa Brgy. Old Balara, Quezon City, umakyat na sa 6

42

Umakyat na sa anim ang mga nagpositibo sa COVID-19 sa isinagawang mega swabbing sa Brgy. Old Balara, Quezon City.

Kasunod ito ng pagdagsa ng 6,000 na residente sa pamimigay ng ayuda noong nakaraang linggo.


Ayon kay Brgy. Old Balara Chairman Allan Franza, sa 76 na indibidwal na sumalang ngayong araw sa testing, isa ang nagpositibo sa COVID-19 habang una nang nagpositibo kahapon ang limang iba pa.

Sa kabuuan, nasa 658 na ang nasalang sa mass testing sa nasabing barangay.

Tiniyak naman ni Franza na tuloy-tuloy ang contact tracing sa mga nakasalamuha ng nasabing mga residente.

Facebook Comments