Barangay Disaster Team, Pinakikilos na sa Posibleng Epekto ng Bagyong Dante

25

Cauayan City, Isabela- Pinaghahanda na ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) ang lahat ng Barangay Disaster Risk Reduction and Management (BDRRM) sa City of Ilagan, Isabela.

Ito ay hakbang sa posibleng maging epekto ng Bagyong Dante sa rehiyon.


Sa inilabas na Memorandum, inaatasan ang Liga ng mga Barangay na maghanda at mag-imbentaryo ng mga kagamitan sa kanilang mga nasasakupan upang magamit ito sakaling kailanganin sa hindi inaasahang sitwasyon.

Hinimok rin ng CDRRMO ang publiko na ipagbigay alam ang mga hindi inaasahang insidente upang mabigyan kaagad ito ng kaukulang aksyon.

Facebook Comments