Mga nagpositibo sa COVID-19 sa buong mundo, pumalo na sa higit 1.3 milyong katao

Umabot na sa higit 1,340,000 ang naitalang bilang ng kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa buong mundo.

Kaugnay nito, sumampa na rin sa higit 74,000 ang kabuuang bilang ng mga nasawi dahil sa virus.

Sa Estados Unidos pa lamang, nasa 367,000 na ang nagpositibo sa COVID-19 kung saan pumalo na sa 10,000 ang naitalang nasawi dito.


Habang ang bansang Spain na ngayon ang pumangalawa sa may pinakamaraming kaso ng COVID-19 na umabot na sa 136,675 at nahigitan ang Italy na mayroong 132,547 kumpirmadong kaso.

Samantala, inanunsiyo naman ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe na magde-deklara na sila ng State of Emergency na posibleng tumagal ng 1 buwan bilang kanilang hakbang sa pag-akyat ng bilang ng nagpo-positibo sa kanilang bansa.

Matatandaang ang gaganapin sanang Tokyo Olympics ay inilipat na rin ang petsa sa Hulyo sa susunod na taon dahil sa Coronavirus pandemic.

Facebook Comments