Pumalo na sa mahigit 18,000 ang nagka-impeksyon sa COVID-19 sa Quezon City base sa datos ng QC Epidemiology and Surveillance Unit at District Health Offices kahapon, September 24, 2020.
Ang total validated cases ay nasa 18 ,063.
Mula sa naturang bilang, nasa 3,049 ang active COVID-19 cases o pwedeng makahawa.
Mayroon nang kabuuang 14,485 na gumaling.
Habang sa kabuuan ay 529 na ang pumanaw.
Nangunguna pa rin ang Barangay Batasan Hills sa may nagpositibo sa COVID-19 na mayroong sumatutal na 722.
Sinusundan ito ng Barangay Commonwealth na may kabuuang 575 COVID-19 cases, Bahay Toro-521, Pasong Tamo-476 at Culiat-425.
Facebook Comments