Umabot na sa 2,853 ang COVID-19 positive sa Quezon City.
Batay sa impormasyon na inilabas ng QC Health Office (CHO), nadagdagan pa ng walumpu’t isa (81) ang nagpositibo.
Nasa 2,772 ang kumpirmadong may kumpletong address sa Quezon City habang 2,733 naman ang na-validate ng QC Epidemiology and Surveillance Unit at District Health Offices.
Habang sa datos ng Local Government Units (LGUs), nasa 1,025 na aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod.
Nadagdagan ng labing-anim (16) ang gumaling na sa ngayon na may kabuuang 1,492 na nakarekober sa lungsod.
Kung kahapon ay zero death ang lungsod, sa pinakahuling datos ay may isang naiulat na binawian ng buhay.
Facebook Comments