Sinabi ng Marikina City Health Office-Epidemiology and Surveillance Unit na pumalo na sa 702 ang bilang ng mga pasyenteng tinamaan ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Marikina City kabilang ang 4 na bagong nahawa na pasyente.
Base sa kanilang data, ang bilang ng mga pasyente na nakarekober ay umakyat na sa 352 kasama ang bagong 11 pasyente, habang 37 naman na naitalang nasawi matapos na madagdagan ng 2 pasyente kung saan may 313 active cases ang sumailalim sa treatment at quarantine.
Napag-alaman na ang barangay na mayroong maraming kaso ng positibo sa COVID-19 ay ang Barangay Malanday na may 89 kaso, sinundan ng Barangay Sto. Niño na may 75, Concepcion Uno na may 71 at Barangay Parang na may 69.
Paalala ng Local Government Unit (LGU) ng Marikina na para maiwasan ang pagkalat ng nakamamatay na virus, dapat ay palagiang magsuot ng face mask, iwasan ang mga matataong lugar, panatilihin ang social distancing, maghugas ng kamay at takpan ang mga bibig kung uubo at babahing.