Mga nagpositibong estudyante at guro sa pagsasagawa ng limited face-to-face classes sa Medical courses, kakaunti lang – CHED

Tiniyak ng Commission on Higher Education (CHED) na mababa sa 1 percent o 0.3 percent lang na mga estudyante at faculty members na dumalo sa face-to-face classes para sa Medicine at iba pang related course ang nagpositibo sa for COVID-19.

Ayon kay CHED Chairman Prospero de Vera, 41 mula sa 9,700 na mga mag-aaral ang nagpositibo sa virus habang 15 mula sa 1,000 faculty members ang tinamaan din ng virus.

Aniya, naniniwala siyang na ang mababang kaso na kanilang naitala ay dahil sa mahigpit na pagsunod ng estudyante at faculty members sa guidelines at health protocols.


Sinabi naman ni De Vera na ang pagbabakuna sa mga mag-aaral at faculty members ay nakakatulong para sa kanilang proteksyon laban sa COVID-19.

Hindi rin aniya nagkamali ang CHED na magpatupad ng limited face-to-face classes sa Medicine and allied courses.

Facebook Comments