Inutos ni PNP Chief General Guillermo Eleazar sa kanyang mga tauhan sa mga lalawigan ng Basilan, Sulu at Tawi-Tawi (BASULTA) na mas paigtingin ang pagpapatrolya at intelligence monitoring sa mga dalampasigan para hindi makalusot ang mga nagsasagawa ang illegal entry mula sa mga kalapit bansa.
Ayon kay Eleazar, nais nilang mas maprotektahan ang mga lokal na residente sa tatlong lalawigan laban sa COVID-19 kaya inutos niyang mas paigting ang pagpapatrolya.
Kahapon aniya ay magkakasunod niyang binisita ang mga pulis sa BASULTA para alamin ang sitwasyong pangseguridad maging ang kalagayan ng mga pulis dahil sa patuloy na banta ng COVID-19.
Sinabi ni PNP chief, mataas ang moral ng mga pulis sa tatlong lalawigan na aniya’y patuloy na tinitiyak ang seguridad laban sa terorismo at pagpapatupad ng mga health protocol.
Ang Pilipinas partikular ang tatlong nabanggit na lalawigan ay napakalapit lang sa Malaysia at Indonesia.
Noong nakaraang Linggo, isinama ng Philippine government ang Indonesia sa mga bansang may strict travel restrictions dahil sa pagtaas ng kaso ng Delta COVID-19 variant.