MANILA – Pinaalalahanan ni Pangulong Noynoy Aquino ang mga graduate ng Philippine Military Academy Class “Gabay Laya” 2016 na huwag makihalo sa politika para maasahan ang pagbabago.Sa huling pagdalo ni Pangulong Aquino sa 111th PMA Commencement Exercises sa Fort Del Pilar sa Baguio City… sinabi nito na nasa kamay na ng mga kadete kung mamamayani ang demokrasya o kung babalik ang bansa sa pang-aabuso ay kawalang-hustisya.At gaya ng mga nakalipas niyang talumpati, may pinatamaan na naman si Pangulong Aquino… partikular ang mga humarang sa pagsusulong ng administrasyon ng kapayapaan sa Mindanao.Sabi ng Pangulo, may dalawang senador ang nananatiling “ayaw” sa inilatag nilang mainam na solusyon.Bagama’t walang binanggit na pangalan, matatandaang kinontra ni Senador Bongbong Marcos ang Malacañang version ng Bangsamoro Basic Law o BBL, habang si Senate Minority Leader Juan Ponde Enrile naman huling bbl interpellator sa mataas na kapulungan.Bukod kay Pangulong Aquino ay dumalo rin sa PMA Graduation Day si Vice President Jejomar Binay.Sa katunayan, halos magkasunod na dumating sina PNoy at VP Binay at magkatabi pa sa upuan sa stage ang dalawa.Mula sa animnampu’t tatlong graduates ng PMA Gabay Laya class, 33 ang pumasok sa Philippine Army, 13 sa Philippine Air Force at 17 ay sa Philippine Navy.Ayon naman sa Class Valedictorian na si Cadet 1st Class Kristian Abiqui, naniniwala siya na ang isang mapayapang lipunan ay isang maunlad na lipunan, malaya sa opresyon.Makakaasa raw ang lahat na magiging parte sila ng solusyon sa malawakang hamon.
Mga Nagsipagtapos Ng Philippine Military Academy Class “Gabay Laya 2016” – Pinayuhang Huwag Makilahok Sa Pulitika
Facebook Comments